Ang Buwan ng Wika ay nagsimula bilang okasyon na idinaraos sa loob ng isang linggo (Marso 27 – Abril 2) hanggang idineklara itong isang buwanang selebrasyon ng Pangulo Fidel V. Ramos noong 1997. — at hanggang ngayon, ang diwa ng buwan ng wika ay nananalaytay pa rin sa puso ng bawat Pilipino.
Flickr: tbnrjay
Wika — ito ay isa sa mga pinakamahalagang sangkap sa paghubog ng isang sibilisasyon. Inaalis nito ang hindi pagkakaunawaan ng bawat tao, at kaya nitong buklurin ang mga bansa — alin mang kulay, relihiyon at nasyonalidad.
Ngayong buwan ng wika, nais naming magbahagi ng ilan sa mga terminolohiya ng buwis na kadalasang naririnig tuwing tayo’y nagbabayad ng obligasyon sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng BIR o Kawanihan ng Rentas Internas, ito’y upang mas madali mong maintindihan ang mga katagang ito, lalo na’t kung nagsisimula ka pa lang magbayad ng buwis.
Pero bago ang lahat, tayo muna ay magbalik tanaw sa ilang mahalagang pangyayari sa ating kasaysayan.
Paano Nagsimula ang Buwan ng Wika?
Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 35, nagsimulang ideklara ni Pangulong Sergio Osmeña ang okasyon bilang “Linggo ng Wika” mula noong 1946 hanggang 1954. Idinaraos ito mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril, na nagsilbi ring kaarawan ng manunulat na si Francisco Baltazar o mas kilala bilang si “Balagtas”.
Ninais naman ng Pangulong Ramon Magsaysay na maisama sa mga paaralan ang okasyong ito, kaya’t inilipat niya ang Linggo ng Wika tuwing ika- 13 hanggang 19 ng Agosto (kaarawan ni Pangulong Manuel Quezon), ayon sa Proklamasyon Bilang 186.
Idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang okasyon bilang isang buwanang selebrasyon tuwing buwan ng Agosto noong 1997 sa pamamagitan ng Proklamasyon Bilang 1041.
Muli ay dumako tayo sa mga terminolohiyang buwis na dapat mong malaman:
1. VAT
Kapag kumakain ka sa isang restawrant o bumibili ka ng gamit, lagi mong mababasa ang salitang ito sa iyong resibo, na ibinabawas sa aktwal na presyo ng iyong biniling produkto/serbisyo.
Ang Value Added Tax o mas kilala bilang VAT ay mga buwis galing sa pagbenta ng mga produkto o serbisyo. Ito ay isang uri ng “indirect tax” na ipinapasa sa mga konsyumer o mga bumibili ng produkto.
2. Gross Income (Kabuuang Kita)
Ito ay ang kabuuang bayad sa isang indibidwal bago mabuwisan. Dito mo kailangang isama ang lahat ng pinagkukunan mo ng kita (e.g. mga premyo, karagdagang kita atbp.). Karaniwan mo itong makikita tuwing magpapasa ka ng income tax returns tulad ng 1701Q at 1702Q.
3. Withholding
Kung ikaw ay isang empleyado, dapat mong malaman na ang salitang “Withholding” ay isang seksyon sa iyong payslip na ibinabawas ng employer, at ipinapadala sa gobyerno kada period ng iyong suweldo. Maraming klase ang Withholding base sa kanilang klasipikasyon:
- Expanded Withholding
- Final Withholding
- Withholding on Compensation
4. Expanded Withholding
Ito ay isang uri ng withholding tax na kadalasang ibinabawas sa mga gastusin tulad ng renta at iba pang bayad mula sa propesyonal na serbisyo. Sa ngayon, ito ay kadalasan mong makikita kapag nag-file ka ng 1601-EQ o ang Quarterly Remittance Return of Creditable Income Taxes Withheld.
5. Final Withholding
Ang salitang final withholding ay isa ring uri ng “withholding tax” kung saan ang huling buwis na kinakaltas ay katumbas ng pangkabuuang buwis at obligado itong bayaran ng tumanggap ng “income” o kita. Ang salitang ito ay iyong makikita kapag nag-file ka ng 1601-FQ, o ang Quarterly Remittance Return of Final Income Taxes Withheld.
6. Withholding on Compensation
Compensation ay tumutukoy sa mga bagay na ibinibigay ng isang employer sa kanyang empleyado, kapalit ng kanilang serbisyong ginagawa para sa kumpanya, bukod sa regular na bayad na nakukuha ng empleyado kada buwan. (komisyon, overtime, bonus, mga benepisyo tulad ng insurance atbp.)
Ang Withholding on Compensation ay isang klase ng buwis na ibinabawas sa suweldo ng empleyado na ipinapadala sa BIR bilang paunang bayad sa kabuuang buwis na kailangang maayos. Lagi ring tandaan na ang mga Minimum Wage Earners ay hindi kailangang bawasan ng Withholding on Compensation.
Makikita mo ang katagang ito sa mga BIR forms tulad ng 1601-C.
7. Exemptions
Ito ang mga halaga na maaari mong ibawas mula sa pangkalahatang buwis na iyong babayaran sa gobyerno. Ang katagang ito ay makikita mo sa mga BIR forms gaya ng 1601-C, pati na rin sa mga “income tax return forms” gaya ng 1701Q at 1702Q.
8. Alphanumeric Tax Codes
Kilala rin bilang ATC, ang Alphanumeric Tax Code ay isang sistema ng numero na ginagamit ng Taxfiler / Payer para sa kanyang negosyo. Ang mga “codes” na ito ay base sa industriya kung saan ka nagtatrabaho at kinakaltasan ng buwis.
9. Deductions
Ito ang mga gastos na inalis mula sa iyong kabuuang kita, at ibinabawas sa mga buwis na obligasyon mo sa gobyreno. Ito ay karaniwang may dalawang anyo (standard at itemized). Makikita mo ang mga kaltas na ito tuwing nagpapasa ka ng “income tax return” tulad ng 1701-Q at 1702-Q.
10. Filing Status
Ito ay kahalintulad ng iyong “marital status” kung saan kailangang mong tukuyin ang kasalukuyan mong katayuan sa buhay: (1) Single o (2) Married o May Asawa. Mahalaga ang mga ito dahil ang mga bagay tulad ng mga kaltas ay ibinabase sa impormasyong ito ng iyong buwis.
Kasama Mo Ang JuanTax
Maging isa ka mang indibidwal o kumpanya, pwede mong gamitin ang JuanTax sa pag-file ng iyong mga buwis!
Ang JuanTax ay isang cloud tax software na ginagamit sa pagkamit ng mga pangangailangan alinsunod sa mga panuntunan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) pagdating sa mga buwis tulad ng VAT, Income Tax Returns, Percentage Tax, at Withholding Tax.
Wala ka pang account sa JuanTax? Bisitahin ang aming website sa https://juan.tax/ at mag Sign up!